China posibleng tapusin muna ang reclamation sa Panatag bago pumirma sa COC-Carpio

By Jay Dones May 12, 2017 - 04:21 AM

 

Antonio-Carpio-0321Posibleng pagkatapos nang maitayo ang lahat ng istruktura sa Panatag o Scarborough shoal pipirma sa isang code of conduct ang China na nakalaan para sa South China Sea.

Ang pagkakaroon ng code of conduct sa naturang rehiyon ang binabalangkas ng Association of Southeast Asian Nation sa pag-asang maiibsan ang tensyon sa South China Sea.

Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ito’y dahil kung agad pipirma ang China sa isang code of conduct, ay posibleng hindi nila matapos ang kontrsuksyon ng mga strukturang kanila nang naumpisahan sa naturang lugar.

Paliwanag ni Carpio, posibleng may mga plano pa ang China na i-develop ang Panatag shoal sa nalalapit na hinaharap kaya’t malamig ito sa pagkakaroon ng code of conduct para sa lahat ng mga claimant countries sa South China Sea region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.