Imbestigasyon sa pork barrel scam at DAP bubuhayin ng DOJ

By Alvin Barcelona May 11, 2017 - 05:09 PM

Aguirre
Inquirer photo

Tuloy na tuloy na ang gagawing imbestigasyon ng Department of Justice sa pork barrel scam at maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, ito ay panibagong pagsisisyasat sa kaso at hindi kailangan ng permiso mula sa Ombudsman.

Kaugnay nito, lilikha aniya sila ng isang panel o task force na posibleng buuin ng mga mga imbestigador mula sa DOJ at Nbi.

Tiniyak naman ni Aguirre na hindi nila gagamitin ang sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles laban sa oposisyon.

Paglilinaw ng kalihim, basta may ebidensya, hahabulin nila ang lahat ng mga sangkot sa anomalya mapa-oposisyon man ito o administrasyon.

Wala rin aniyang mangyayaring selective justice tulad ng nakaraan.

Umaasa si Aguirre na isisiwalat ni Napoles ang lahat ng nalalaman nito oras na matiyak ang kaligtasan nito at mawala ang natatanggap nitong banta sa buhay sa kasalukuyan nitong piitan.

Sa ngayon aniya gusto niya na mailipat si Napoles sa mas ligtas na pasilidad ng NBI.

TAGS: DAP, doj. pork scam, janet lim-napoles, DAP, doj. pork scam, janet lim-napoles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.