Security forces sa WesCom, naka-heightened alert status na ayon sa Palasyo
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na on top of the situation ang mga awtoridad sa gitna ng banta sa seguridad sa Palawan.
Ayon kay Presidential Communicatons spokesman Ernesto Abella, naka heightened alert status na ngayon ang Western Command para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sinabi pa ni Abella na mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ngayon ng WesCom sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police at maging sa Provincial Government ng Palawan at City Government ng Puerto Princesa.
Maximum security aniya ang ipinatutupad kung saan pinakilos na ang lahat ng unit.
Partikular na binabantayan ng mga awtoridad ang entry at exit points maging ang mga coastal areas para hindi makapasok ang mga terorista.
Kasabay nito, umaapela si Abella sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad.
Una rito, naglabas na ng advisory ang Amerika sa kanilang mamamayan na mag ingat sa pagtungo sa Palawan dahil sa nakalap na impormasyon na magsasagawa ng pangingidnap ang mga teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.