Duterte, iniutos sa militar ang “shoot on sight” sa mga terorista kasunod ng US at UK travel advisory sa Palawan

By Mariel Cruz May 11, 2017 - 06:35 AM

duterte 102516_JARL5Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “shoot on sight” sa mga miyembro ng Abu Sayyaf o iba pang teroristang grupo na mamamataan sa Palawan.

Ito ay kasunod ng inilabas na travel advisory ng United States at United Kingdom sa kabila ng mga banta ng pangingidnap sa mga dayuhan na bumibisita sa lalawigan.

Ayon sa pangulo, sakaling may makita ang mga militar o pulis na terorista ay maaari na nila itong barilin hanggang sa mapatay.

Dapat aniyang gamitin ng security forces ang kanilang mga para mapatay ang mga bandido nang sa gayun ay matapos na ang problema.

Iginiit ni Duterte na hindi dapat mag-alinlangan ang mga sundalo na patayin ang mga terorista.

Batay sa naturang travel advisory, nakatanggap ang US embassy ng ‘credible information’ na mayroong mga teroristang grupo ang nagpa-plano na magsagawa ng pangingidnap kung saan target ang mga dayuhang turista sa Palawan.

Una nang nagpalabas ng travel advisory sa kanilang citizens ang US at UK sa Bohol dahil rin sa banta ng pangingidnap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.