Serbisyo ng Globe at Smart pansamantalang pinutol sa Quiapo
Parehong inanunsyo ng Globe telecom at Smart ang pansamantalang suspensyon ng serbisyo ng cellphone signals sa Quiapo area umpisa kaninang alas-tres ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.
Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ng Philippine National Police sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission (NTC) para umano sa kaligtasan ng publiko.
Ibig sabihin nito, hindi maaaring tumawag, mag-text at mag-internet ang mga subscribers ng dalawang telecom companies habang umiiral ang suspensyon.
Posibleng ding maaapektuhan ng nasabing suspensyon ang ilang bahagi ng Maynila, lungsod ng Makati at Quezon City.
Magugunitang kamakakalawa ay sinuspinde rin ang operasyon ng mga telcos sa nasabing lugar makaraan ang magkakasunod na pagsabog sa Quiapo area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.