Minorya sa Kamara dedma sa impeachment complaint kay Duterte

By Isa Avedaño-Umali May 10, 2017 - 04:33 PM

Minority bloc
Photo: Isa Umali

Walang plano ang mga miyembro ng minority group sa Kamara sa suportahan ang inihain ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, isang ‘political suicide’ ang pagsuporta sa tangkang pagpapatalsik sa presidente, lalo’t siya’y sobrang popular pa rin.

Punto pa ng mambabatas, imposibleng magtagumpay ang impeachment complaint kontra kay Duterte na 80% ang acceptance rating.

Dahil dito, sinabi ni Suarez na kalimutan na lamang daw ang Duterte impeachment.

Dagdag pa nito, maayos pa naman ang trabaho ng pangulo, bagama’t medyo playa ang gabinete ni Duterte.

Para naman kay ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz, hindi niya susuportahan ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil siya lamang daw ang pangulo na nagparamdam ng tunay na pagpapahalaga sa mga OFW. Sa Lunes, nakatakdang simulan ng House Committee on Justice ang pagtalakay sa Duterte impeachment.

TAGS: duterte, impeachment, minority, suarez, duterte, impeachment, minority, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.