Duterte, nakipagpulong sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon

By Chona Yu May 10, 2017 - 12:08 PM

Inquirer Photo | Kristine Mangunay
Inquirer Photo | Kristine Mangunay

Muling nakipagpulong kagabi, araw ng Martes, si Pangulong Rodrigo Duterte sa mag-asawang rebelde na sina Benito at Wilma Tiamzon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang mag-asawang Tiamzon ang nagsisilbing peace consultant ng rebeldeng grupo kaugnay sa peace talks na isinusulong ng pamahalaan.

Base sa video na ipinalabas ng RTVM, bukod sa mag-asawang Tiamzon, kasama din sa pagpupulong si National Democratic Front of the Philippines peace panel chairman Fidel Agcaoili.

Gayunman, wala pang inilalabas na pahayag ang Malakanyang kung ano ang napag-usapan sa naturang pagpupulong.

Una rito, sinabi ng pangulo na nais niyang pabalikin sa pakikipag usap sa rebeldeng grupo sina Presidential adviser on the Peace Process Jess Dureza at Government chief negotiator Silvestre Bello dahil sa may kaunting problema ang peace talks.

Sa May 27 hanggang June 1 nakatakda ang ikalimang round ng peace talks sa The Netherlands.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.