Moratorium sa paghihigpit ng BOC sa mga balikbayan boxes, hiniling ni Migrant Workers Advocate Susan Ople

August 24, 2015 - 10:09 AM

balikbayanHiniling ni Migrant Workers Advocate Susan Ople sa Bureau of Customs (BOC) na magpatupad na lamang muna ng moratorium sa paghihigpit sa mga balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ay dahil sa malakas na apela at protesta ng mga OFWs hinggil sa nasabing polisiya ng customs.

Ayon kay Ople, masama ang loob ng mga OFWs lalo pa at ang mga pahayag ni Customs Commissioner Bert Lina ay may bahid ng paratang na may mga OFWs na nagpupuslit ng illegal na mga kargamento sa kanilang mga balikbayan boxes.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ople, na ang mga balikbayan boxes ay unti-unting pinupuno ng mga OFWs para lamang mapasaya ang kanilang mga mahal sa buhay lalo na ang mga anak. “Ang ipinapadala lang naman nila madalas ay chocolates, manika para sa mga anak nila, madalas hinihintay pa nila ang mag-sale para lang makabili,” ayon kay Ople.

Ayon kay Ople, dapat ay magkaroon naman ng konsiderasyon ang BOC sa maliit na kaligayahan ng mga OFWs at kanilang mga pamilya. “Hindi nakikita ng BOC, ang padala ng mga OFWs iyan ang yakap nila sa anak nila,” dagdag ni Ople.

Hindi rin aniya totoong ginagamit ng mga OFWs ang pagpapadala ng balikbayan boxes para makapagpuslit ng mga illegal na bagay papasok ng Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Bayanmuna Partylist Rep. Neri Colmenares na paiimbestigahan nila sa kamara ang nasabing polisiya ng BOC. Bagaman nasa batas aniya na may kapangyarihan ang customs na busisiin ang mga padalang boxes kung sa tingin nila ay may kahina-hinala dito, nakalulungkot umanong papatawan pa ng buwis ang maliliit na bagay na naipapadala ng mga OFWs./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: OFWsbalikbayanbox, OFWsbalikbayanbox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.