Sa inisyal na impormasyon, nakilala ang mga naarestong mga pulis sa mga pangalang PO2 Garcera; PO2 Maynes; PO1 Santos at PO1 Caniete.
Ang entrapment operation ay base na rin sa reklamo ng isang biktima na nagreklamo na diumano ay sapilitan siyang hinuli sa kanyang pag-aaring bike shop ng mga pulis at nanghihingi ng pera.
Ayon pa sa complainant, nagbayad na siya ng paunang P100, 000 upang palayain ng mga pulis.
Nangako pa itong magbibigay ng karagdagang P100, 000 ngayong gabi dahil sab anta umano ng mga pulis na papatayin ang buo niyang pamilya.
Gayunman, nagpasya na ang complainant na magreklamo sa CITF na nagresulta sa pagkadarakip sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.