Child cybersex den sa Pampanga, sinalakay ng NBI
Pinaniniwalaang nalansag na ng National Bureau of Investigation ang isa sa pinakamalaking child cybersex ring makaraang maaresto ng mga ito ang isang dayuhan sa raid sa Mabalacat, Pampanga.
Nakilala ng NBI ang naarestong suspek na si David Anthony Deakin, 53-anyos tubong Illinois, at isa umanong computer systems administrator.
Sa ulat ng Associated Press, sangkot si Deakin sa pagbebenta ng child pornography videos at larawan sa kanyang mg kliyente sa Amerika, Europe at iba pang bahagi ng mundo gamit ang ‘dark web’.
Nagagawa rin nitong mai-stream sa kanyang mga kliyente ang pang-aabuso sa mga kabataan gamit ang isang simpleng webcam.
Ayon sa NBI raiding team, nakakumpiska ng mga damit ng bata, mga sex toys, mga hard drive at computer na naglalaman ng mga video at larawan ng mga paslit na hubo’t-hubad.
Noon pa man, naalarma na ang mga otoridad sa loob at labas ng Pilipinas sa pagkalat ng child pornography kung saan ang mga biktima ay mula sa Pilipinas.
Dahil dito, nagkaroon ng serye ng mga raid sa ilang lugar sa bansa upang tugisin ang mga pedophiles tulad ni Deakin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.