Mga magsasakang mula Tagum, tutulungan ni Duterte
Natupad ang sadya ng mga magsasakang galing sa Tagum City Davao del Norte na makausap si Pangulong Rodrigo Duterte para idulog ang kanilang mga hinaing.
Ito ay makaraang personal na puntahan at kausapin ni pangulo ang mga magsasaka na benipisyaryo ng Agrarian Reform Program na noong Mayo-uno pa nagpipiket sa Mendiola.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na ilahad ang kanilang sitwasyon kabilang ang pangangamkam ng sa kanilang lupa at harrassment na dinanas nito mula sa Lapanday Food Corporation.
Ibininigay naman ni pangulo ang kanyang commitment na tutulungan ang mga magsasaka.
Nangako din si pangulo na tutulungan ang mga magsasaka na makauwi sa Tagum.
Pababaunan din ni Pangulong Duterte ang mga magsasaka ng tig-isang libong piso bawat isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.