Cong. Floirendo umiwas sa face-off nila ni Alvarez sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali May 09, 2017 - 03:21 PM

Tadeco1
Photo: Isa Umali

Walang naganap na face-off sa pagitan ng dating magkaibigan na sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo sa joint investigation ng Kamara ukol sa joint venture agreement o JVA ng Bucor-TADECO.

Nag-inhibit si Floirendo sa pagdinig dahil miyembro siya ng Justice Panel ng Kamara na isa sa komiteng nagsisiyasat sa kinukwestyong kontrata si Alvarez.

Sa halip, ang nagisa ni Alvarez ay mga opisyal ng TADECO ukol sa pinasok na kontra sa Bucor na ang pakay daw ay kumita lamang.

Ani Alvarez, malinaw na lease agreement ang pinasok na kasunduan ng TADECO sa Bucor kaya nagbabayad pa ang kumpanya ng upa sa Bucor na umabot pa ng P142 Million noong 2016.

Malaki rin aniya ang lugi ng gobyerno sa pag-upa ng TADECO sa mahigit limang libong ektaryang lupain ng Davao Penal Colony sa Tagum City sa Davao.

Batay sa pag-amin ng TADECO, P1.80 ang napupunta sa Bucor sa bawat kahon ng saging na nai-export, samantalang hanggang $9 ang benta sa kada kahon sa China market.

Pero paninindigan ni TADECO President and CEO Anthony Alexander Valoria, legal ang Bucor-TADECO JVA.

Dagdag ni Valoria, libu-libong preso at pamilya ang nakikinabang sa banana plantation na nasa ilalim ng Bucor-TADECO deal.

TAGS: Alvarez, bucor, floirendo, tadeco, Alvarez, bucor, floirendo, tadeco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.