5,000 dagdag na tauhan kailangan ng Philippine Coast Guard
Nangangailangan ng apat na libong bagong recruits, kabilang ang limang daang opisyal, ang Philippine Coast Guard.
Ayon kay Commodore Joel Garcia, officer-in-charge ng PCG, ilan sa mga nag-aabang na mga na posisyon ay para sa mga karagdagang biologist, doktor, inhinyero, accountant at public relations staff.
Sinabi naman ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, nasa labimpitong libo hanggang apatnapung libong piso kada buwan ang maaaring sahurin sa entry level depende sa posisyon.
Kwalipikadong mag-apply ang isang natural born Filipino, may good moral character, may Baccalaureate Degree, may pitumpu’t dalawang units sa kolehiyo o nagtapos ng TESDA course para sa non-officers.
Maaaring mag-apply para sa opisyal ng PCG ang nasa dalawampu’t isa hanggang dalawampu’t anim na taong gulang habang labingwalo hanggang walumpu’t anim na taong gulang ang maaaring mag apply sa sa non-officers.
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ng mga interesado ang website ng Philippine Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.