Paglilitis sa plunder case ni dating Sen. Bong Revilla, tuloy pa rin

By Len Montaño May 09, 2017 - 02:03 PM

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang una nitong pagbasura sa hiling ni dating Senador Bong Revilla na idismiss ang kanyang plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Sa walong pahinang resolusyon, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 1st Division ang apela o motion for reconsideration ni Revilla sa unang resolusyon noong February 23 na nagbasura sa quashal bid ng dating mambabatas.

Ibig sabihin nito ay tuloy ang paglilitis kay Revilla sa kasong pandarambong at katiwalian.

Sa kanyang mosyon ay iginiit ni Revilla na hindi siya gaanong nasabihan sa nature at dahilan ng alegasyon laban sa kanya.

Binanggit ni Revilla ang Supreme Court ruling sa Estrada vs Sandiganbayan na nagsabing ang plunder law ay hindi nagbibigay ng fair warning na ang tinatawag na “common world” ay maiintindihan ang mga gagawin ng isang tao para mapanagot ito sa plunder.

Argumento ni Revilla, sa pag-uphold ng Korte Suprema sa constitutionality ng plunder law ay kailangang umasa sa Congress proceedings noong ito ay tinatalakay.

Pero walang nakitang merito ang anti-graft court sa posisyon ni Revilla.

sinabi pa ng korte na “mere reiteration and rehashed versions” ang nakasaad sa motion to quash ni Revilla.

Nahaharap si Revilla sa plunder at graft charges dahil sa umano’y pagbulsa ng 224.5 million pesos na kickback sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF na inilagay sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.