Graft case ni ex-Palawan Gov. Joel Reyes, ibinasura ng Sandiganbayan

By Len Montaño May 09, 2017 - 11:58 AM

joel reyesIbinasura ng Sandiganbayan ang graft case laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng fertilizer fund scam.

Sa 14-page resolution na promulgated noong Lunes ay pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang motion to quash information ni Reyes na nagresulta sa pagkabasura ng graft case nito.

Iginiit ni Reyes sa kanyang mosyon ang binanggit ng korte na “inordinate delay” sa panig ng Office of the Ombudsman sa pagsagawa ng proceedings ng kaso.

Sa timeline ng prosekusyon, nagsimula ang fact-finding investigation noong May 24, 2004 habang ang preliminary investigation ay natapos noong September 14, 2016.

Nakasaad sa resolusyon na inabot ng halos labing-dalawang taon ang proceedings ng Ombudsman na paglabag sa right to speedy disposition of cases ni Reyes.

Bigo rin umano ang prosekusyon na ipaliwanag ang delay sa kaso laban kay Reyes na matagal na nakabinbin sa Ombudsman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.