Bagong humanitarian ship ng Philippine Red Cross, inilunsad na
Handa na ang Philippine Red Cross na isabak ang kanilang bagong humanitarian marine vessel na pinangalanang “MV Amazing Grace”.
Inilunsad ng PRC kahapon, araw ng Lunes ang nasabing barko na binili nila sa halagang 88 million pesos sa Matanuska-Susitna Borough sa Alaska.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, handa na itong maglayag, pero para tiyaking magiging maayos ang lahat, dadalhin muna nila ito sa dry dock kung saan ito lalagyan ng proteksyon mula sa pangangalawang.
Ang nasabing disaster response vessel ay kayang magsakay ng hanggang sa 120 na pasahero, at may total freight capacity na 35 tons.
Kaya rin nitong magdala ng dalawampung ambulansya o kaya anim na trucks na puno ng cargo, at maaari din itong gawing cargo-loaded barge, o kaya ay bilang isang twin-hulled vessel na kayang lumusong sa mababaw na tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.