Mag-asawang pusher, arestado sa Brgy. San Antonio, Parañaque City

By Cyrille Cupino May 09, 2017 - 05:03 AM

mag-asawang pusherArestado ang matandang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Walang trabaho at kapwa senior citizen na ang mga suspek na sina Maria Theresa at Rodolfo Angeles na sinasabing notoryus na drug pusher sa kanilang subdivision.

Ayon kay Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Southern Police District-Drug Enforcement Unit, nagpanggap na posseur-buyer ang isa nilang operatiba at bumili ng dalawang libong pisong halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nang magka-abutan na, dito na dinampot ang mag-asawa, kabilang ang isa nilang kapitbahay na si John Crisologo na na-aktuhan ring bumibili ng shabu.18386544_10208492232255630_1788181209_n

Ayon kay Amindalan, ang homeowners association sa tinitirhang subdivision ng mga suspek ang mismong nagsumbong na may nagaganap na transaksyon ng droga sa bahay ng mga Angeles.

Aminado naman ang mga suspek na gumagamit sila ng droga, pero itinanggi ng mga ito na nagbebenta sila ng shabu.

Nakuha sa bahay ng mag-asawa ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, habang isang sachet naman ang nakuha sa bulsa ni Crisologo.

Aabot umano sa humigit-kumulang pitong gramo ang timbang ng narekober na droga at nasa 35 thousand pesos ang street value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.