Imbestigasyon sa Quiapo blasts, ipinaubaya na ng AFP sa PNP

By Ruel Perez May 09, 2017 - 04:50 AM

Kuha ni Rod Lagsuad
Kuha ni Rod Lagsuad

Dumistansiya na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa imbestigasyon sa serye ng pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, isang law enforcement operation na umano ito na tinutugunan na ng Pambansang Pulisya.

Samantala, paliwanag ni Padilla, hindi dapat paniwalaan o banggitin man lamang ang pangalan ng grupong nagpapanggap na may kagagawan nito sapagkat walang pangangailangang bigyan sila ng dignidad.

Giit ni Padilla, pawang propaganda lang umano ang ginagawang ito ng umaakong grupo.

May hawak na rin umanong nang lead ang pulisya sa nangyaring pagsabog kung kaya dapat na hayaan na munang gawin ng mga ito ang kanilang trabaho tungo sa ikalulutas ng kaso.

Kasabay nito, nanawagan si Padilla sa publiko at media na wag pabibiktima at pagagamit sa anu pa mang propaganda na lilikha lamang ng takot o pangamba sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.