Clearing operations, isasagawa na din ng MMDA sa Roxas Blvd. hanggang T. M. Kalaw
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dadalhin na rin nila ang kanilang clearing operations sa kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa T. M. Kalaw sa Maynila.
Kaugnay nito, sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na babaklasin nila ang mga nakahambalang sa daan, tulad na lang ng mga tindahan at mga signages na hindi naman otorisado.
Inabisuhan na rin aniya nila ang mga opisina ng gobyerno at mga establisyimento sa kahabaan ng nasabing kalsada na hihilahin at dadalhin sa impound ang mga sasakyang iligal na nakagarahe sa service road mula Vito Cruz hanggang T. M. Kalaw.
Ginagawa aniya ito ng MMDA para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa service road, tulad ng matagumpay nilang nagawa sa Baclaran.
Oras aniya na maisakatuparan nila ang panibagong clearing operations, apat na lanes na ang magagamit ng mga motorista sa Vito Cruz hanggang T. M. Kalaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.