Pinapurihan ni Solicitor General Jose C. Calida ang Court of Appeals sa pag-abswelto kay Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention laban kay pork barrel scam whistle blower Benhur Luy.
Ayon kay Calida marapat lamang papurihan ang desisyon ng 12th division ng Court of Appeals dahil sa paggawa ng tama base sa ebidensya na iniharap sa kanya.
Gayunman, sinabi ni Calida na walang kinalaman sa nasabing desisyon ang nakabinbin nitong kaso kaugnay ng porl barrel scam.
Noong Enero 11, 2017, nag file ang Office of the Solicitor General (OSG) ng manifestation sa kaso ni Napoles na nagsasabing hindi suportado ng ebidensya ng prosekusyon ang conviction ni Napoles sa kasong serious illegal detention.
Sa argumento ni Calida, ang ipinakitang pag-aasal at pag-uugali ng diumano’y biktima na si Benhur Luy noong panahon ng pagpigil sa kanya, ay inconsistent sa bintang na pagdetine sa kaniya at para sa isang taong pinagkaitan ng kalayaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.