1 NPA, 1 sundalo patay sa 2 magkahiwalay na engkwentro

By Ruel Perez May 09, 2017 - 04:35 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Isang amasonang miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ang namatay sa panibagong engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Occidental Mindoro, Lunes ng umaga.

Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesman 1st Lt. Xy-zon Meneses, nangyari ang unang engkwentro sa Sitio Tagbungan, Brgy Barahan, Sta Cruz, Occidental Mindoro na sinundan naman sa Brgy.Magsaysay, Infanta, Quezon.

Ani Meneses, nakasagupa ng 76th Infantry Batallion ang aabot sa 30 NPA sa Mindoro pasado alas-10 ng umaga kahapon.

Nagtagal ng halos 30-minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig na nagresulta ng pagkakapatay sa amasonang NPA na kinilalang si Ka Bikke.

Narekober mula sa encounter site ang isang 9mm pistol at isang IED o improvised explosive device.

Samantala, isang sundalo naman ang nalagas mula sa 1st Infantry Battalion matapos makasagupa ang hindi pa natukoy na bilang ng NPA sa Quezon.

Habang dalawang sundalo naman ang sugatan sa nasabing engkwentro.

Sa ngayon, ayon kay 2nd Infantry Division Commander Major General Roderick Parayno, nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operation upang tugisin ang mga tumakas na mga rebeldeng NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.