Cong. Floirendo sinibak sa Commission on Appointments
Sinibak bilang miyembro ng Commission on Appointment o CA si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo.
Si Floirendo na kaaway ngayon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ay kinatawan ng PDP-Laban sa makapangyarihang C.A.
Pero sa sesyon kanina, pinalitan si Floirendo ni Isabela Rep. Rodito Albano na umalis na sa Nacionalista Party o NP para lumipat sa PDP-Laban.
Kapalit naman ni Albano si Zamboanga del Norte Rep. Seth Jalosjos bilang kinatawan ng N.P sa C.A.
Nabatid na hindi pumasok sa sesyon si Floirendo nang magbotohan sa Kamara para sa Death Penalty bill.
Ang mga lider ng Kamara na bumoto laban sa panukala ay nauna nang inalis sa puwesto.
Nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Floirendo at Alvarez dahil sa kaso ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO na may kasunduan sa BuCor para upahan ang Davao Penal Colony.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.