DOJ, haharangin ang pagdalo ni De Lima sa Senate hearing ukol sa Death Penalty bill

By Ricky Brozas May 07, 2017 - 02:21 PM

 

De-Lima-Vitaliano-AguirreHaharangin ng Department of Justice o DOJ ang anumang hakbang na makadalo si detained Senator Leila de Lima sa pagdinig ng Senado hinggil sa Dealth Penalty bill.

Katwiran ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nakakulong si De Lima kaya’t limitado ang mga karapatan at pribelihiyo nito.

Una nang sinabi ni De Lima noong mga nakaraang linggo na gusto niyang makibahagi sa mga deliberasyon sa ilang mahahalagang panukala at trabaho umano niya ito bilang mambabatas kahit pa siya ay nakapiit.

Matatandaan inihayag din kamakailan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hihilingin ng Liberal Party senators sa korte na payagan si De Lima na dumalo sa mga sesyon at committee hearings lalo na sa malalaki at importanteng legislative agenda.

 

TAGS: DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, Senadora Leila De Lima, DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, Senadora Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.