Parusang bitay, suportado pa rin ng mga Pilipino – Pulse Asia

By Angellic Jordan May 07, 2017 - 10:22 AM

death-penalty-0517Karamihan sa mga Pilipino ang patuloy na sinusuportahan ang pagsusulong ng parusang kamatayan, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Kumpara noong nakaraang taon, bumaba sa 67 porsyento ang lebel ng suporta ng mga Pilipino mula sa 81 porsyento noong Hulyo.

Sa 1,200 respondents, lumabas na 25 porsyento sa mga Pilipino ang tutol sa death penalty habang 8 porsyento ang hindi pa desidido.

Samantala, pasok naman sa mga kasong pinaniniwalaang dapat patawan ng parusang bitay ang rape na nakakuha ng 97%, pangalawa ang muder na may 88& at drug pushing sa 71%.

Isinagawa ang survey mula March 15 hanggang 20 sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Sa Kamara, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Death Penalty bill, habang sa Senado ay hindi pa matiyak ang kapalaran nito.

TAGS: Death Penalty, Death Penalty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.