Agnes Callamard kulang sa paligo ayon kay Locsin

By Den Macaranas May 06, 2017 - 06:39 PM

agnes-callamard
Inquirer file photo

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United Nations Teddy Locsin Jr. na mas nakabuti pa nga sa bansa ang pagpunta ni U.N Rapporteur Agned Callamard.

Sa kanyang twitter account, sinabi ni Locsin na kahit paano ay napag-isa ni Callamard ang mga Pinoy sa pagsuporta sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

“Thank you Agnes, you just solidified the country behind Duterte and his drug war, and thoroughly discredited any criticism of him and it”.

Sinabi rin ni Locsin na hindi si Callamard ang magsasabi kung tama o mali ang ginagawa ng pamahalaan lalo’t tumulak na sa Geneva ang mga kinatawan ng gobyerno para ipaliwanag ang anti-drug campaign ng Duterte administration.

“IN SHORT, LET’S MOVE ON. Geneva is the proper venue and Callamard will not be allowed to step foot in it or have anything to do with it.

Binanggit rin ng opisyal ang hindi hindi pagsunod ni Callamard sa protocol sa biglaan niyang pagpunta sa bansa.

“To say she informed PH govt iacknowledges that it has a say in her trip & how it affects her role as UN Rapporteur. She came anyway. Bye”.

Sa huli ay napansin rin ni Locsin ang itsura ni Callamard pati ang isyu ng pagligo ng kahit na paano ay dalawang beses sa loob ng isang araw.

“I was right after all and people thought I was flippant: never argue with people who don’t shower at least twice a day. It clears the mind”.

TAGS: agnes callamrd, ambassador, duterte, ejk, teddy locsin, U.N, agnes callamrd, ambassador, duterte, ejk, teddy locsin, U.N

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.