DENR top post bakante pa rin ayon sa Malacañang

By Den Macaranas May 06, 2017 - 04:37 PM

Gina1Nilinaw ng Malacañang na wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit kay dating Environment Sec. Gina Lopez.

Pero sa ngayon ay marami umanong pinagpipilian ang pangulo at posible na ang mga ito ang mapabilang sa kanyang short list ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Kabilang sa mga pangalang lumutang na posibleng pumalit kay Lopez ay sina Atty. Mark Tolentino na tulad ni Duterte at graduate sa San Beda College of law at kasamahan niya sa Lex Taliones Fraternity.

Lumutang din ang pangalan ni Mines and Geosciences Bureau Chief Mario Luis Jacinto na sinasabi naman na suportado ng mga mining firms para sa top DENR post.

Kasama rin umano sa mga pinagpipilian ng pangulo ang pangalan ni Atty. Ramos Edison Batacan na tulad ni Duterte at nagmula rin sa Davao City.

Pinakahuli sa mga pangalang lumutang ay si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Roy Cimatu na kamakailan lamang ay itinalaga ng pangulo bilang special envoy sa Middle East.

TAGS: abella, DENR, gina lopez, Malacañang, abella, DENR, gina lopez, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.