‘No parking rule’ sa Maynila, lalong pinaigting

By Kabie Aenlle May 06, 2017 - 06:07 AM

car tow file photoMas pinaiigting na ngayon ng lungsod ng Maynila ang kanilang mga panuntunan sa parking.

Inanunsyo na ni Manila Mayor Joseph Estrada, ang mahigpit na pagbabawal sa pag-parada sa harap ng mga simbahan, ospital, paaralan at malapit sa mga fire hydrants.

Inatasan ni Estrada ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na agad ipatupad ang nasabing bagong no parking rule ng lungsod.

Babala pa ni Estrada sa mga pasaway na magpa-park pa rin sa mga nabanggit na lugar, agad na ipapa-tow ang kanilang mga sasakyan kung hindi pa rin sila susunod.

Papatawan naman ng multang P3,800 ang mga light vehicles na hihilahin ng MTPB, habang P5,000 naman para sa mga vans at sport utility vehicles, P8,000 para sa mga truck at iba pang heavy vehicles, at P2,800 naman sa mga public utility vehicles.

Sa ngayon ay sinimulan na ng mga tauhan ng MTPB na maglagay ng mga karatulang “no parking” sa lugar ng mga paaralan, ospital, simbahan at fire hydrants sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.