Duterte, nawawalan na ng pag-asa sa peace talks sa mga Moro

By Kabie Aenlle May 06, 2017 - 05:46 AM

Duterte VietnamAminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nawawalan na siya ng pag-asa sa kalalabasan ng peace process sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng Moro.

Sinabi ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa mga miyembro ng pulisya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Maguindanao.

Ayon kay Duterte, isang “legitimate grievance” ang isyu sa mga Moro na patuloy na sinusubukang resolbahin.

Aniya, nakikipagusap siya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa Moro National Liberation Front (MNLF), ngunit tila nag-aagawan ang dalawa sa mga teritoryo.

Paliwanag ng pangulo, noon ay positibo pa siya sa usaping pangkapayapaan, ngunit aminado siyang nawawala na ito.

Nananahimik lang aniya si MNLF chair Nur Misuari, pero pribado na aniya itong nakipag-usap sa kaniya.

Gayunman, sa kabila ng pag-aalala niya na baka mauwi sa wala ang peace process, umaasa pa rin siyang maging matagumpay ito.

Dahil dito, hinimok niya ang mga pulis na gawin pa rin ang kanilang tungkulin kahit na ang nakasalalay dito ay hindi lang ang kanilang trabaho kundi pati ang kanilang buhay.

Tiniyak naman niya sa mga ito na magbibigay ng buong suporta ang pamahalaan sa kanilang mga pamilya sakali mang may mangyari sa kanila sa kasagsagan ng kanilang trabaho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.