200 na preso, tumakas sa kulungan sa Indonesia

By Mariel Cruz May 05, 2017 - 08:54 PM

INDONESIA PRISON BREAKHindi bababa sa dalawangdaan na preso ang tumakas sa isang overcrowded na kulungan sa western Indonesia ngayong araw ng Biyernes.

Ayon sa pulisya, pinalabas ang naturang mga bilanggo sa kanilang kulungan para magdasal.

Pero sa halip na magdasal ay sabay sabay tumakas ang mga preso.

Ayon kay I Wayan Dusak, director general of prisons sa Indonesia, unang tumakbo ang mga preso sa main door ng naturang kulangan sa Pekanbaru City, Sumatra Island, kung saan tinangka ng mga ito na tumakas.

Pero nang mabigo ang mga ito na makalabas, ginamit nila ng side entrance at lumusot sa wire fence ng kulungan na binabantayan lamang ng limitadong tauhan.

Sinabi naman ni local police spokesman Guntur Aryo Tejo na hindi bababa sa pitumpu’t pitong preso ang kaagad na nahuli ng mga otoridad matapos ang insidente.

Dahil sa insidente, isinara ng pulisya ang ilang kalsada sa lungsod at naglunsad na ng massive hunt para sa nalalabing preso na nakatakas.

Ayon pa kay Tejo, nagdeploy na sila ng karagdagang 400 na police at military personnel para magbantay sa naturang kulungan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.