PNP, hinamon si Callamard na ilatag ang paraan sa pagresolba ng problema sa iligal na droga

By Ruel Perez May 05, 2017 - 06:24 PM

CallamardBukas ang Philippine National Police sa lahat ng tulong at rekomendasyon para maresolba ang problema sa iligal na droga ng bansa.

Ito ay matapos ihayag ni UN Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Agnes Callamard na mayroong mas magandang paraan para maresolba ang problema sa droga at hindi ang paglabag sa karapatang pantao.

Hinamon naman ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos si Callamard sa pagsasabing kung mayroong mairerekomendang paraan si Callamard para mapatigil ang apat na milyong Pinoy sa paggamit ng iligal na droga ay ilatag niya ito.

Paliwanag ni Carlos, sa ngayon ay may mga paraang ginagawa ang PNP para maaresto at matulungan ang mga drug offenders sa pamamagitan ng kanilang ginagawang Oplan Tokhang at umaabot na sa mahigit 1.2 milyon ang surrenderrers.

Giit ni Carlos, sanay makipag-ugnayan din si Callamard sa Inter Agency Commitee on Anti-illegal Drugs at National Anti Drug Plan of Action upang matukoy ang totoong ginagawa ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan para makatulong na masolusyunan ang problema sa ilegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.