Pagbuo ng VFA para sa China joint military exercise, pag-aaralan na ng NSC

By Jay Dones May 05, 2017 - 04:22 AM

 

Hermogenes-Esperon-Jr-620x465Pag-aaralan na ng National Security Commission (NSC) ang pagbuo ng isang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng China.

Ito’y upang maipatupad ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint military exercises sa pagitan ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., kanilang itinuturing na ‘utos’ ang anunsyo ni Duterte na bukas ito sa pagkakaroon ng military exercises ang China at Pilipinas.

Kasama aniya ang Department of National Defense at iba pang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng security cluster, kanilang pag-aaralan muna kung posible ang pagkakaroon ng VFA sa China.

Isa sa mga nais nilang linawin ay ang posibilidad ng joint exercises sa Sulu Sea na una nang binanggit ng pangulo na lugar na maaring pagdausan ng ehersisyo.

Dahil nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang Sulu Sea, hindi maaaring basta na lamang pumasok dito ang anumang barko ng China o ng kahit alinmang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.