Southwest provincial bus terminal, sisimulan nang ilipat ng MMDA

May 04, 2017 - 04:19 AM

 

bus-hub-ParañaqueSisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang unti-unting paglilipat ng Southwest Interim Provincial terminal (SWIPT) mula sa lokasyon nito sa Coastal Mall sa Parañaque City tungong HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Tim Orbos, ito’y upang maisaayos na ang naturang terminal at maging ang daloy ng trapiko sa lugar.

Paliwanag pa ni Orbos, makakatipid ng hanggang 1.5 million pesos ang pamahalaan sa buwanang renta sa Coastal Mall sa oras na mailipat na ang terminal sa HK Sun Plaza na pag-aari ng MMDA.

Hindi na rin magbabayad ng terminal fee ang mga provincial bus at mga city bus na hihinto sa naturang terminal.

Titiyakin rin aniya ng MMDA na hindi mahihirapan sa paglilipat ng mga pasahero mula sa mga provincial bus dahil papasok rin dito ang mga byaheng papasok ng Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.