Kadete na namatay sa training, hindi sa akademiya nagkasakit-PMA
Hindi umano sa loob ng PMA o Philippine Military Academy nagkasakit ng ulcer ang isang kadete na namatay sa training nuong Lunes.
Iginiit ni Dra Maria Sheila Jardolin, commading officer ng PMA Hospital, bago pa man pumasok ng PMA si Erwin Christian Vergara, 19 anyos na may sakit nang ulcer batay na rin sa pagsusuri ng mga doktor sa Baguio General Hospital.
Depensa naman ni Jardolin, inilipat sa Baguio General Hospital si Vergara dahil walang blood bank ang PMA Hospital.
Paliwanag pa ni Jardolin, physical examination lamang ang isinasagawa sa mga pumapasok na kadete sa PMA kung kaya hindi malalaman kung may ibang karamdaman ang mga kadete.
April 1 nang pumasok sa PMA ang kadete.
Gayunman, noong April 25, na-admit ito sa pagamutan dahil sa matinding pananakit ng tiyan.
Sa ospital na binawian ng buhay ang kadete dahil sa matinding pagdurugo ng kanyang ulcer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.