Appointment ni DENR Sec. Gina Lopez, tuluyan nang ibinasura ng CA

By Jan Escosio, Mariel Cruz May 03, 2017 - 04:15 PM

LOPEZTuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ng kontrobersyal na si Environment Secretary Gina Lopez.

Mismong si Sen. Manny Pacquiao na chairman ng committee on environment and natural resources ng CA ang nagbasa ng rekomendasyon na nagrereject sa appointment ni Lopez.

Kabilang sa mga senador na bumoto para sa kumpirmasyon ni Lopez ay sina Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Senators Kiko Pangilinan, Loren Legarda at JV Ejercito.

Matatandaang muling inappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim matapos mabigong makalusot sa CA bago ang anim na linggo break ng Kongreso noong nakaraang March 15.

Pero nakatanggap ng pambabatikos at kritisismo si Lopez matapos ipag-utos ang pagpapasara sa dalawampu’t tatlong mining company at suspensyon sa limang iba pa.

Kaugnay nito, aminado si Pacquaio na labag sa kanyang kalooban ang naging resulta ng botohan.

Hindi aniya umabot sa labing tatlong boto na kailangan para makalusot ang kumpirmasyon ni Lopez sa makapangyarihang Commission on Appoinments.

Bukod kay Lopez, una nang ibinasura ng CA ang appointment ni dating ad interim Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr dahil sa kanyang kwestyunableng citizenship.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.