Pagtalakay sa Duterte impeachment, tatapusin kaagad ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali May 03, 2017 - 02:54 PM

Duterte Peru2Tiniyak mismo ng chairman ng House Justice Committee na kakayaning tapusin ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-sine die adjournment ang Kongreso sa katapusan ng Mayo.

Ayon kay Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, sa susunod na linggo ay tiyak na nai-refer na ni House Speaker Pantaleon Alvarez Justice Panel ang reklamong impeachment ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban sa presidente.

Kasabay din nitong ire-refer ang supplemental complaint ni Alejano.

Sinabi ni Umali na mabilis nilang aaksyunan ang Duterte impeachment dahil may rekord ang Justice Committee ng Kamara sa agarang disposisyon ng trabaho.

Sa pagdinig ng impeachment complaint, aalamin muna kung sufficient in form ito kasunod kung sufficient in substance.

Kapag pumasa sa sufficient on form at substance, tutukuyin kung may probable cause ang reklamo upang dumiretso sa paglilitis saka bibigyan ng notice si Duterte para magsumite ng kanyang sagot.

Naniniwala naman si Umali na hindi na hahantong sa puntong ito ang impeachment complaint ni Alejano bagkus tiyak na maibabasura agad ito dahil mas lumakas pa ang alyansa ng super majority sa Kamara.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.