5 persons of interest, hinahanap na kaugnay ng Quiapo blast

By Kabie Aenlle May 03, 2017 - 08:00 AM

Quiapo blastHinahagilap na ngayon ng mga pulis ang limang persons of interest na hinihinalang nasa likod ng pagpapasabog sa Quiapo, Maynila noong nakaraang linggo.

Matatandaang 14 na katao ang nasugatan sa nasabing insidente, at ilan sa kanila ang nagtamo ng malubhang pinsala o kaya ay naputulan ng bahagi ng katawan.

Sa ngayon, wala pang inilalabas ang pulisya na anumang detalye tungkol sa mga suspek.

Nilinaw naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na walang sundalo o pulis na nasaktan sa insidente, taliwas sa report ng SITE Intel Group, na nagsabi rin na inako ng ISIS ang pagsabog.

Una nang itinanggi ng PNP ang ginawang pag-ako ng ISIS sa pagsabog, at sinabing gang war ang tinitingnang nasa likod ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.