Ex-Gov. Sajid Ampatuan, 13 iba pa kinasuhan dahil sa kuwestyunableng proyekto
Sinampahan ng patung patong na kaso ng Ombudsman si dating Maguindanao OIC Governor Datu Sajid Islam Ampatuan at 13 iba dahil sa mga maanomalyang construction projects sa lalawigan noong 2009.
Si Sajid Ampatuan, anak ng yumaong si Andal Ampatuan Sr. ay nahaharap sa 12 kaso ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, 4 na kaso ng malversation of public funds at 145 kaso ng falsification of public documents.
Kaparehong bilang ng kaso rin ang isinampa laban kay Provincial engineer Landap Guinaid, na napatay sa Maguindanao noong nakaraang taon.
Lumabas sa pag-aaral ng Ombudsman na nakipagsabwatan ang dalawa kina dating provincial accountant John Estelito Dollosa Jr., provincial treasurer Osmeña Bandilla, at dating Datu Unsay, Maguindanao mayor Andal Ampatuan Jr. sa pagbibigay ng “unwarranted benefit, advantage o preference” sa Shariff Aguak Petron Station nang ibigay dito ang kontrata para sa pagsu-suplay ng krudo at lubricants na nagkakahakalaga ng P22.37 million para sa mga construction projects sa lalawigan nang hindi dumadaan sa bidding.
Ang Shariff Aguak Petron Station ay natuklasan na pag-aari ni
Andal Jr., kapatid ni Sajid’s at kapwa akusado sa Maguindanao Massacre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.