Pagkakataon ng bansa sa WPS sinayang ni Duterte sa ASEAN Summit

By Ruel Perez May 01, 2017 - 07:40 PM

Trillanes1
Inquirer file photo

Dismayado si Sen. Antonio Trillanes sa naging pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa nakalipas na ASEAN Summit.

Sa panayam kay Trillanes matapos dumalaw kay Sen Leila de Lima sa PNP Custodial Center, iginiit nito na pinahina lamang ng pangulo ang paborableng desisyon ng UN Arbitral Tribunal na pabor sa Pilipinas.

Ayon kay Trillanes, ang ASEAN summit sana ang pinakamagandang forum para talakayin ang usapin.

Sa ASEAN Summit, kumpleto aniya ang heads of state na karamihan ay kabilang sa claimant countries sa ilang bahagi ng WPS.

Dagdag pa ng senador, hindi na umano kinailangan pang isa isahing kausapin at puntahan ni Duterte sa kani- kanilang bansa ang mga kapwa nito lider sa ASEAN dahil nasa harapan na niya sana ang mga ito  pero sinayang umano ng pangulo ang pagkakataon.

TAGS: Asean, de lima, duterte, trillanes, Asean, de lima, duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.