De Lima, nais makibahagi sa mga deliberasyon ng Senado sa kabila ng pagkakadetina

By Rohanisa Abbas May 01, 2017 - 11:19 AM

de limaNais pa ring lumahok ni Senador Leila de Lima sa mga deliberasyon ng Senado ukol sa mga mahahalagang usapin maging sa pamamagitan ng teknolohiya sa kabila ng pagkakaditena.

Iginiit ni De Lima na kailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin bilang senador.

Nais niyang maging bahagi ng talakayan sa mga panukalang pagbubuhay sa parusang kamatayan, pagbaba ng criminal age responsibility, at ang pagpapaliban ng barangay elections ngayong taon.

Ipinunto ni De Lima ang pagpayag ng Senado sa ilalim ni Senate President Aquilino Pimentel noong 2008 sa nakaditenang si Senador Antonio Trillanes IV na dumalo sa mga pagdinig ng Senado sa pamamagitan ng teleconference.

Dagdag ni De Lima, kailangan niya ring igiit ang kanyang karapatan bilang aniya’y bilanggong pulitikal sa ilalim ng batas ng bansa at ng International Convention on Civil and Political Rights.

Si De Lima ay nakaditena sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame dahil hinaharap nitong mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa kabila ng pagkakaditena, patuloy pa ring nagpapasa ang senador ng mga panukala at resolusyon sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.