Tatlong barkong pandigma ng China, dumaong sa Davao City
Nakadaong na sa Davao City ang tatlong barkong pandigma ng China bilang bahagi ng kanilang 3-day goodwill visit sa Pilipinas.
Dumating kahapon ang Chinese People’s Liberation Army Navy Task Group 150 na kinabibilangan ng guided missile destroyer Chang Chun, guided missile frigate Jin Zhou at type 903 replenishment ship Chao Hu.
Ang mga naturang barko ay nakadaong sa Sasa wharf sa Davao City at mananatili hanggang May 2.
Ayon sa Naval Forces Eastern Mindanao, layunin ng pagbisita ng mga barkong pandigma ng China na palawakin ang kooperasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at ng China.
Magiging bahagi ng aktibidad sa pagitan ng puwersa ng Pilipinas at China ay ang ilang serye ng mga confidence-building engagements sa mga susunod na araw.
Ngayong araw, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Duterte ang mga naturang barko.
Taong 2010 pa nang huling nagkaroon ng goodwill visit ang mga barko ng China sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.