Trump, kinumpirma ang pagbisita sa bansa – Palasyo
Isiniwalat ng Palasyo ng Malakanyang na kinumpirma ni United States President Donald Trump ang pagbisita sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang phone call kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, tumawag si Trump kay Duterte kagabi pagkatapos ng 30th ASEAN Summit.
Sa naturang tawag, napag-usapan ng dalawang lider ang pangako ni Trump sa Ph-US alliance at ang interes nito na mabuo ang magandang working relationship kay Duterte.
Dagdag pa ni Abella, binanggit rin ni Trump na inaasahan nito ang pagbisita sa bansa sa Nobyembre para sa East Asia Summit.
Gaganapin ang East Asia Summit sa Nobyembre pagkatapos ng 31st ASEAN Summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.