Sundalong bihag ng NPA sa Surigao del Norte, pinalaya na
By Angellic Jordan April 30, 2017 - 02:37 PM
Pinakawalan na ng New People’s Army ang tatlong buwang bihag na sundalo sa Surigao del Norte kahapon.
Batay sa ulat, naging emosyonal si PFC Erwin Salan ng 30th Infantry Battalion nang makapiling muli ang pamilya sa isang simpleng turnover ceremony.
Kasama ang mga representante ng Barangay Camam-onan sa bayan ng Gigaguit, itinurn-over ng NPA custodial force si Salan sa kaniyang pamilya.
Samantala, dumaan si Salan sa isang medical checkup at lumabas na nasa maayos na kondisyon ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.