Islamic State, inako ang pagpapasabog sa Quiapo

By Rod Lagusad April 30, 2017 - 02:45 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Inako ng Islamic State ang naganap na pambobomba sa Quiapo, Maynila noong Biyernes.

Ito ang iniulat ng news agency ng naturang grupo taliwas sa pahayag ng pulisya na hindi ito konektado sa terorismo.

Inanunsyo ng Amaq News Agency, ang news outfit ng Islamic State kahapon na sila ang nasa likod ng nasabing pambobomba ayon sa SITE Intelligence Group.

Matatandaang na isang bomba ang sumabog sa Quezon Boulevard sa Quiapo bandang 10:49 p.m. na siyang ikinasugat ng 14 na katao.

Kaugnay nito, maaring isang “ploy” o pakana lang ng Isllamic State ito dahil madalas ang pag-ako nito sa mga
pambobomba sa ibat ibang parte ng mundo.

Una ng sinabi ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na ang pagpapasabog ng bomba ay ganti matapos ang
pambubogbug sa tatlong indibidwal.

TAGS: bomba, Bombing, Islamic State, quiapo, bomba, Bombing, Islamic State, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.