Grupo ng kabataan, pinamamadali ang pagbabalik sa ROTC
Pinamamadali ng grupong Duterte Youth ang pagbubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC).
Ipinahayag ni Duterte Youth Chairman Ronald Cardema na kinakailangang maipasa na ng Kamara ang batas na magbabalik sa ROTC sa pagbabalik ng session sa Mayo.
Iginiit ni Cardema na ito ay para maihanda ang kabataan sa militar para tumugon sa mga lindol, kalamidad at sa giyera.
Inihalimbawa ni Cardema ang 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Davao kahapon at maging ang mga pagyanig na naramdaman sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga nakalipas na buwan.
Dagdag pa ng Duterte Youth, ang pagiging produktibo at ang nasyonalismo ng mga bansa gaya ng Singapore at
South Korea ay bunga ng military training sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan aniya nito, tinuturuan ang mga kabataan na itaguyod ang bayan.
Matatdaang ilang ulit na ring ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang balak na ibalik ang ROTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.