Honeylet Avanceña nagsilbing tourist guide sa mga misis ng mga ASEAN leaders

By Alvin Barcelona April 29, 2017 - 03:18 PM

Honeylet ASEAN
Inquirer file photo

Ibinida ng Pilipinas sa mga maybahay ng mga ASEAN leaders ang kultura ng mga Pinoy sa pagpasyal ng mga ito sa National Museum sa lungsod ng Maynila.

Sa pangunguna ni Honeylet Avanceña, partner ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinakita nito sa mga ASEAN leaders’ spouses ang mga obra maestra ng mga kilalang  alagad ng sining ng bansa tulad ng mural na Spoliarium ni Juan Luna.

Ang talento ng mga Pinoy tulad ng mga pagtatangghal ng Pangkat Kawayan, katutubong sayaw mula sa sa Kalilayan Folloric Group at mga Voice Kids na sina Darlene Vibares at Reynan del Anay na nag-alay ng mga awitin sa mga dayuhang panauhin.

Ipinagmalaki rin sa mga bisita ang mga kakaiba at magagandang tela mula sa South Cotabato.

Ipinatikim din sa mga nasabing bisita ang pagkaing Pinoy tulad ng mga inihain sa pananghalian:

Kabilang dito ang kesong puti, mga lokal na gulay at prutas partikular ang mangga at ube at mga kakanin.

Samantala, sa siyam na ASEAN leaders’ spouses ay lima lamang ang dumalo o nakapunta sa National Museum bukod kay Avanceña.

TAGS: Asean summit, duterte, honeylet avancena, national museum, Asean summit, duterte, honeylet avancena, national museum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.