Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao kaninang madaling araw.
Kaagad na naglabas ng tsunami alert ang Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Philvocs) kasunod ng lindol na naramdaman kaninang 4:23am.
Sinabi ng Philvocs na naitala ang ilang metrong pagtaas ng alon kanilang 4:28am at 5:23am pero hindi naman ito nagdulot ng pinsala.
Gayunman ay pinapayuhan ng mga otoridad ang publiko na lumayo muna sa mga beach sa Davao Occidental para sa kanilang kaligtasan.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 53 kilometers Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 57 kilometers.
Naramdaman ang intensity 5 na pagyanig sa General Santos City, Koronadal City, Santa Maria, Balot Island at Don Marcelino.
Intensity 5 rin ang naramdaman sa South Cotabato partikular nsa mga bayan ng Polomolok at Tupi.
Sa Saranggani ay intensity 5 rin ang naramdamang pagyanig partikular na sa mga bayan ng Glan, Malapatan at Alabel.
Sa Davao City, Cotabato at Zamboanga ay naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 4.
Intensity 3 naman ang naramdamang pagyanig sa Cagayan De Oro City.
Sinabi ng Philvocs na asahan ang mga aftershocks dahil sa malakas na lindol bagaman wala namang naitalang nasaktan o kaya ay namatay sa pagyanig.
Bago mag-alas siyete ng umaga kanina ay binawi na rin ng Philvocs ang kanilang inilabas na tsunami alert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.