Mga kontrata sa bentahan ng lupa sa Hacienda Luisita, kinansela ng DAR

By Jay Dones April 27, 2017 - 04:23 AM

 

Rafael-MarianoKinansela ng Department of Agrarian reform (DAR) ang lahat ng mga kontrata na naglalayong maibenta o di kaya ay maiparenta ang mga lupa sa Hacienda Luisita na una nang naigawad ng gobyerno sa mga magsasaka.

Ito’y matapos na makumpirma ng DAR na umaabot sa 4,000 mula sa 5,212 na mga farmer-beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP ang nagbenta, o di kaya ay ipinarenta na ang kanilang mga lupa.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, umiiral pa rin ang 10-year ban sa mga may hawak ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA na nagbabawal sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga lupa.

Kasama rin aniya sa naturang kanselasyon ang lahat ng mga pinasok na joint venture arrangements sa mga lote na nasa ilalim ng CLOA.

Binawi na rin ni Mariano ang conversion order para sa 500 ektarya ng Hacienda LUisita na binili ng RCBC na pinasok kamakailan ng mga magsasakang kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Inaalam na rin ng DAR ang dahilan kung bakit mas minarapat ng mga benepisyaryo na iparenta o ibenta na lamang ang lupang binigay sa kanila ng gobyerno.

Ang Hacienda Luisita na pag-aari nina dating pangulong Cory at Noynoy Aquino ay una nang ipinag-utos ng Korte Suprema na hati-hatiin at ipamahagi na sa mga magsasaka noong 2012

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.