Mga vital installations sa Lanao Del Sur, binabantayan na rin dahil sa Maute threat
Mahigpit na rin ngayong pinababantayan ng militar maging ang mga vital installation sa Lanao del Sur dahil sa posibilidad na gumamit ng diversionary tactics ang Maute para itaboy ang mga sundalo na nag-ooperate sa kanila.
Ayon kay Army 1st Infantry Division Spojkesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, ito ang direktiba ni Brig. Gen. Jose Rolando Bautista, commanding general ng 1st ID.
Base umano sa kanilang karanasan, nagsasagawa ng pagpapasabog ang mga kalaban sa matataong lugar o vital installations para iligaw ang mga tumutugis na sundalo.
Dahil dito, todo-bantay ngayon ang mga otoridad sa may area ng Marawi at Iligan city.
Sa ngayon, ayon kay Herrera, umakyat na sa 38 ang bilang ng mga napatay na mga bandidong Maute sa patuloy na operasyon ng militar.
May mga nakita na rin umanong ilan pang katawan ng mga kalaban sa kanilang clearing at mopping up operations kahapon.
Habang sa ngayon ay hinihintay pa rin nila ang mga detalye hinggil sa pagkakakilanlan ng apat na mga dayuhang kasama sa mga napatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.