Rizal Memorial Sports Complex isa na ngayong deklaradong historical landmark

By Den Macaranas April 26, 2017 - 04:08 PM

Rizal Stadium
Inquirer file photo

Idineklara na ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Rizal Memorial Sports Complex bilang isang National Historical Landmark.

Kasabay ng nasabing deklarasyon ay hindi na rin pwedeng sirain, i-demolish o kaya ay ibahin ang disenyo ng nasabing gusali alinsunod na rin sa Republic Act 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009.

Ang Rizal Memorial Sports Complex ay itinayo noong 1934 sa pamamagitan ng disenyo ni Juan Arellano ng dating Bureau of Public Works.

Sa nasabing lugar ginanap ang 10th Far Eastern Games noong 1935.

Noong 1966 naman ay sa Rizan Memorial Sports Complex ginanap ang concert ng Beatles.

Kamakailan ay nalagay sa mga balita ang nasabing sports center makaraang ipanukala ni Manila Mayor Joseph Estrada na ilipat ito sa lalawigan ng Zambales.

Gusto kasi ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ibenta ang loteng kinatatayuan nito sa isang pribadong kumpanya bagay na tinutulan ng iba’t ibang mga grupo sa pangunguna ng National Historical Institute.

TAGS: Estrada, Maynila, nhi, Rizal Memorial Sports Complex, Estrada, Maynila, nhi, Rizal Memorial Sports Complex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.