No sail zone, ipinatupad ng Philippine Coast Guard sa Manila Bay

By Erwin Aguilon April 26, 2017 - 10:45 AM

PCG NO SAIL ZONE
PCG PHOTO

Simula ngayong araw ay ipinatutupad na ang pagbabawal sa paglalayag sa bahagi ng Manila Bay malapit sa pinagdarausan ng ASEAN Summit.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, iiral ang ‘no sail zone’ simula ngayon hanggang sa araw ng Sabado, April 29.

Sakop ng pagbabawal sa paglalayag ang paligid ng US Embassy, hanggang Manila Yatch Club, pati na ang bahagi ng break water area mula sa CCP-PICC Complex hanggang sa bahagi ng SM Mall of Asia.

Samantala, sinabi ni Balilo na nakahanda ang kanilang mga karagdagang pwersa tulad ng quick reaction team at anti-terrorism group sakaling kailanganin ng pagkakataon.

TAGS: ASEAN Summit 2017, ASEAN Summit 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.